Ang Ilaw ng Tahanan


Ang Ilaw ng Tahanan


Mommy, Inay, Ina at Mama

Tawag sa isang babaeng walang humpay sa aruga

Walang tigil sa pag-aalaga

Walang katumbas ang pagmamahal sa pamilya.

 

Sila ang unang nagmahal sa atin

Siyam na buwan sa kanilang piling

Paghihirap nila’y kapansin-pansin

Pasasalamat sa kanila ay dapat damhin.

 

Ang ating mga ina ang tunay na huwaran

Sa lahat ng bagay ay ating kailangan

Kahit saan ay kaya nya tayong tulungan

Anuman ang pagdaanan, tayo’y palaging dadamayan.

 

Maswerte ang iba na lumaking may katulad nila

Ngunit hindi naman malas ang wala

Sapagkat, sino man ay pwedeng tawagin na Ina

Kung ang pagmamahal nila ay higit pa sa totoong Mama.

 

Ang araw na ito ay papuri sa ating minamahal na Inay

Pasasalamat sa walang humpay na pag-gabay

Pagkilala sa mga tao na tumayo at tinuring nating Nanay

Pagsaludo sa kanilang trabaho at paulit ulit na gawaing bahay.

 

Sa tulong ng tulang ito, iparamdam natin ang pagbati

Pasasalamat at pagmamahal ay huwag ipagtimpi

Sapagkat ang buhay ay maikli

Batiin at ipagmalaki ang ilaw ng tahanan sa buhay natin.


 

Words by: Vanessa F. Doce

Comments

Popular posts from this blog

How to heal a Broken Heart

The Unseen Beauty of Bauan

TKB goes to Shercon Resort & Ecology Park